33

By

P6.5M shabu nasabat sa 2 babae sa Tondo

Sharing is caring!

Nakakumpiska ng malaking halaga ng hinihinalang shabu ang mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Ayon sa report, 19 sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.5 milyon ang nasamsam sa dalawang babaeng tulak umano na sina Girlie Lopez De Ocampo, 38, at Leah Campo Aguilar, 34.

Kapwa naaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Northern Police District sa New Antipolo Street, Barangay 217 dakong alas-dos ng madaling-araw matapos bentahan ng iligal na droga ang nagpanggap na buyer na pulis.

Narekober din ang P5,000 buy-bust money at isang weighing scale.

Mahaharap ang dalawang babaeng suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?