52

Nov 7, 2017 @ 14:54

P6.4B smuggled shabu, iimbestigahan ng Ombudsman

Nagbuo na ang Office of the Ombudsman ng fact-fiding panel na siyang mag-iimbestiga sa diumano’y pagpasok ng P6.4 bilyong halaga ng shabu na nasabat sa Valenzuela ng Bureau of Customs (BOC).

“The Office of the Ombudsman has created a panel to conduct a fact-finding investigation into alleged anomalies in the release of P6.4 billion worth of Methampethamine or ‘shabu,’ through the green lane of the Bureau of Customs,” ayon sa ipinalabas na statement ng Ombudsman.

Ang imbestigasyon ay bunsod na alegasyon ng Customs fixer na si Mark Taguba sa Senado at Kamara tungkol sa tinatawag na “Davao Group” na diumano ay nag-ayos ng shipment ng tinatayang 600 na kilo ng shabu kapalit ng padulas o “grease money.

Sa pagdinig sa Senado nabanggit ni Taguba ang mga pangalan nina presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte gayundin ang presidential son-in-law na si Manases “Mans” Carpio.

Nauna nang sinabi ni Taguba ang sinabi sa kanya ng kanyang mga kontak na sina “Tita Nannie,” “Jack,” at “Small” na si Duterte ang nasa likod ng Davao Group.

Subalit kalaunan ay nilinaw nitong hindi pa niya nakakausap sina Paolo at Mans.

Humingin din siya ng paumanhin sa pamilya ni Duterte at sinabing ang kanyang kaalaman ay sa diumanoy pagkakasangkot ng dalawa ay base lamang sa hearsay o sabi-sabi.

Pinabulaanan na ng Davao City vice mayor at Carpio, asawa ni Mayor Sara Duterte at pamangkin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang alegasyon laban sa kanila.

Ang pagbuo ng fact-fiding team ay ginawa bunsod na rin ng naunang pahayag ni Pangulong Duterte na kanyang pinapaubaya sa independent agencies na mag-imbestiga sa mga akusasyon laban sa kanyang anak at manugang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?