20

Dec 27, 2020 @ 16:41
By

P5M shabu bistado sa Pampanga

Nakulimbat ng mga awtoridad ang aabot sa P5.5M halaga ng shabu sa Brgy. Ninoy Aquino, Angeles, Pampanga.

Ayon kay Police Regional Office-3 director PBGen. Valeriano de Leon, tatlong suspek ang naaresto na sina Noraden Ariray, Roberto Carbungco at Anthony Bonifacio.

Si Ariray ay isang high-value individual, habang si Carbungco naman ay nasa drug watchlist ng mga awtoridad.

Aabot sa 11 pakete na may lamang shabu ang nahuli sa tatlo, na tumitimbang ng 800 gramo.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga naturang suspek.

“Through our revitalized anti-drug campaign in line with the directives of our Chief PNP Gen. Debold Sinas, along with the support of the community even during this pandemic, we continue to yield positive results,” ayon kay de Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?