23
ABANTE Albay evacuation fund
By

P5M pondo para sa mga bakwit sa Albay, pinamamadali na

Ipinag-utos na ng Department of Health (DOH) Central Office ang agarang pagpapalabas ng P5 milyon para matulungan ang mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Una nang nakapagpalabas ng mahigit P7 milyon ang DOH para sa pagbili ng water container, hygiene kit, mga gamot at kulambo para sa mga naapektuhang pamilya.

Iniulat naman ni Health Secretary Francisco Duque na umaabot na sa mahigit tatlong milyong piso na halaga ng mga gamit gaya ng tent, face mask, jerry can, gamot at pera ang naipadala ng DOH sa mga naapektuhang lokal na pamahalaan.

“As of Monday, the DOH has provided a total of P3,027,155.13 worth of commodities and financial assistance to affected local government units. This includes the provision of tents, mask, health advisories, jerry cans, drugs and medicines and financial assistance of P2,000,000.00 for the Province of Albay for the construction of toilets and bathing facilities in evacuation centers,” saad ni Duque.

Nakapagdeploy na rin ang Center for Health Development Bicol ng Rapid Health Assessment team at monitoring team mula pa noong January 13 sa mga evacuation center sa Camalig, Guinobatan, Daraga, Tabaco City, Sto. Domingo, Malilipot, Legazpi City at Ligao City sa Albay.

Umaabot na sa kabuuang 326 health worker mula sa DOH na kinabibilangan ng mga nurse at midwife ang naideploy sa mga evacuation center.

Ipinaala pa ng DOH na nagtalaga ng special lane ang kagawaran sa mga ospital ng gobyerno para sa mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Mayon. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?