92

Aug 19, 2020 @ 19:38

P5M donasyon sa mga tsuper, pinamudmod na ni Willie Revillame

Ipinamahagi na ngayong araw ni TV host Willie Revillame ang pinangako niyang P5 milyon para sa mga jeepney driver na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Facebook page ng LTFRB, ibinahagi ang mga larawan ng naganap na pamamahagi ng donasyon sa mga jeepney driver sa central office ng ahensiya.

Kabuuang 3,211 na drayber ang nakinabang sa ayuda na galing sa TV host.

Bukod sa pera ay nagbigay din si Revillame ng sako-sakong bigas para sa mga tsuper.

Ayon kay Revillame, muli siyang mamimigay ng P5 milyon sa susunod na buwan para naman sa panibagong batch ng mga drayber.

Ani Revillame, mula sa kanyang ipon ang tulong na binigay niya sa mga driver. (IS)

https://www.facebook.com/ltfrb.central.office/posts/2692079954367249

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?