16

By

P5K ayuda ng DFA sa mga OFW na ‘biktima’ ng Ompong, hanggang katapusan lang

Sharing is caring!

Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na hindi nakalipad paalis at pauwi ng bansa dahil sa bagyong Ompong na agad nang kunin ang P5,000 na tulong ng ahensya.

Ayon sa DFA, hanggang Setyembre 30 lang ito iaalok sa mga OFW.

Maari itong kunin sa DFA Assistance Desks sa Terminals 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sa Departure Terminal ng Clark International Airport hanggang alas-10 p.m. sa Lunes, Setyembre 17, 2018.

Mula sa Setyembre 18 hanggang Setyembre 30, kailangan nang pumunta sa Office of Migrant Workers Affairs at sa DFA Main Office sa Pasay City at sa DFA Consular Offices sa buong bansa hanggang Setyembre 30.

Para makakuha ng cash assistance, kailangang bitbit ng OFW ang kaniyang passport, airline ticket na may orihinal na departure date, reissued ticket na may bagong departure date, Employment Contract; at Overseas Employment Certificate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?