10

By

P5B pondo para sa pantalan sa Iloilo

Sharing is caring!

Iminungkahi ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) na mamuhunan ng mahigit P5 bilyon para sa pagpapatayo ng modernong Iloilo Port Complex at Port of Dumangas.

Una nang nagpadala ng Letter of Intent sa Philippine Ports Authority (PPA) ang ICTSI para sa modernisasyon ng dalawang pantalan, kasabay ito para sa pag-unlad ng mga pantalan sa Iloilo at Visayas.

Nais ng ICTSI namakipagtulungan sa PPA para sa upgrading ng port network sa banda para makasabay sa inter-island at international cargo movement.

“Naniniwala kami sa potensyal ng modernisasyon ng ports na maibibigay sa Visayas, lalo na sa Iloilo na kung saan kapag mapalawak na ang port ay magpapatuloy na ang pagpasok ng mga malakihang serbisyo,” ayon kay ICTSI Chairman and President Enrique Razon Jr.

Sa ilalim ng proposal, magi-invest ang kompanya ng P5 billion para sa pag-develop ng Iloilo Port Complex, kabilang na dito ang dredging at deepening ng port at channel para makapasok ang bagong mga international vessel.

Kabilang pa rito ang modern quayside crane handling equipment na tinatantsang nagkakahalaga ng P1.35 billion.

Layunin ng ICTSI na paangatin ang dalawang port bilang international gateway sa negosyo.

“ICTSI believes that the ports’ development will not only improve efficiency, but will, more importantly evolve the ports into becoming the Philippines’ Visayas hub that will improve connectivity for cargo movement within the country. Our vision is to ultimately turn these ports into international gateways,” ayon kay ICTSI global corporate head Christian Gonzales.

Nabatid na ang ICTSI ay kabilang sa business of port development, management and operations na may tanggapan sa Manila. Hawak nito ang operasyon ng Manila International Container Terminal (MICT) sa Port of Manila na isa sa mga major seaport sa Asya at isa sa aktibong pantalan sa bansa.

Kasama ito sa operasyon ng 18 bansa na tulad ng Philippines, Indonesia, China, Pakistan, Australia, Papua New Guinea, Mexico, Honduras, Colombia, Ecuador, Brazil, Argentina, Poland, Croatia, Georgia, Iraq, Madagascar at the Democratic Republic of Congo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }