70

Apr 7, 2020 @ 11:58
By

P5B pondo ibabahagi ng DOLE sa mga nawalan ng trabaho, OFW – Nograles

Aprubado na ang dagdag na P5-billion na pondo na ilalagay sa mga programa ng Department of Labor and Employment na kanilang magagamit para makapagbigay-ayuda sa mga nawalan ng trabahong Pinoy at OFW dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na kinatawan din ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease, ang nasabing pondo ay kasama sa social amelioration program na hahawakan ng DOLE para sa mga manggagawa.

“The recommendations of the Department of Labor and Employment for the social amelioration program for the formal workers sector as presented are hereby approved,” saad n Nograles.

“For this purpose, the IATF supports the approval and immediate release of the requested budget by the Department of Labor and Employment amounting to P5 billion,” aniya pa.

Sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program ng DOLE, magkakaloob ng P5,000 ang ahensya sa mga naapektuhang manggagawa dahil sa COVID-19.

Popondohan din ng P5-bilyon ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD), at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) para naman sa mga OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?