47

Jan 25, 2018 @ 16:48
By

P563M halaga ng droga, sinilaban ng PDEA

Umaabot sa halagang P563.4 milyong halaga ng droga ang sinilaban ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clean Leaf International Corporation, sa Barangay Maysilo, Malabon, kaninang umaga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang una ay sinunog noong Oktubre 12, 2017 na may kabuuang halaga na P10,671 milyon ng iba’t ibang ‘essential chemicals’ ng droga, sumunod noong Nobyembre 10, 2017 na may kabuuang halaga na P6,001,826,947.80 ang winasak.

Pinuri ni Aquino ang iba’t ibang sangay ng Regional Trial Courts sa bansa na kinabibilangan ng Antipolo, Dagupan, Las Piñas, Makati, Malolos, Bulacan, Mandaluyong, Maynila, Parañaque, Pasig, at Quezon City, gayundin ang Court of Appeals dahil sa mabilis na prosekusyon at disposisyon ng mga drug cases na kanilang hinawakan.

Sinaksihan ang pagsunog sa droga ng mga kinatawan mula sa Department of Justice, Dangerous Drugs Board, Public Attorney’s Office, Non-Government Organizations at mga mamamahayag.

Si Sec. Catalino Cuy, chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB), ang siyang panauhing pandangal at speaker ng seremonya.

Ang pagwasak sa droga ay pagsunod sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Dangerous Drugs Board Regulation No.1 Series of 2002. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?