38
‘High-value target’ arestado, P100K shabu nasamsam sa Dumaguete
Dec 26, 2019 @ 17:43
By

P560K shabu nakulimbat sa bisperas, araw ng Pasko

Mahigit 80 gramo ng shabu o nasa kalahating milyong piso ang nakumpiska ng Pasig Police sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Bisperas at Araw ng Pasko sa Pasig City.

Ayon kay Pasig police chief Col. Moises Villaceran Jr. , nasa 18 drug suspect ang naaresto sa dalawang araw na buy-bust operations noong bisperas at araw ng Pasko sa Barangay Pinagbuhatan at Barangay San Miguel.

Umaabot sa 80 gramo ng shabu na may street value na P560,000 ang nasabat mula sa 18 suspek na kung saan kahit na holiday season ay kasado ang kanilang operations.

“This holiday season, we conducted a series of operations against the illegal drugs and served three search warrants,” ayon kay Villaceran.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?