61
edgar-erice
By

P55B na siningit sa 2019 national budget, gustong usisain ni Cong. Erice

Hindi umano dapat palampasin ng Kamara ang tinawag ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na palusot na pork barrel sa 2019 national budget.

Ito ay kahit nai-realign na ang P52 bilyon na alokasyon sa mga infrastructure project ng iba’t ibang rehiyon ng Committee of the Whole nang amyendahan ang House Bill 8169 o 2019 General Appropriations Act (GAA).

Katuwiran ni Erice, kailangan pa ring alamin ng Kamara kung papaano naisingit ang P55 bilyon pesos sa National Expenditure Program (NEP).

Dapat din anyang matukoy kung nangyari na ito sa 2018 national budget.

Sabi pa ng kongresista, may narinig siyang tsismis mula sa mga kontratista na ang ilang proyekto sa ilalim ng 2019 GAA ay iniaalok sa ilang rehiyon para sa kampanya ng ilang tatakbong senador.

“I’ve heard rumors among contractors that certain projects in the 2019 GAA are now being peddled in some regions to serve as campaign fund for certain senatoriables,” ayon kay Erice.

“The supposed allocation like the P3.8 billion for Romblon, P4.4 billion for Abra are not supposed to be priorities and the amount allocated were absurd and unimaginable. Paano pinayagan ito sa NEP lalo na ang gusto ng DBM cash base budgeting?” dagdag ng kongresista.

Bumilib naman si Erice sa political will na ipinakita ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para galawin ang P55 bilyon sa national budget.

Malaking bagay anya na nagawa nitong ipa-realign ang pondo sa iba’t ibang infrastructure projects.

“GMA is in the right direction and even as a part of the true minority, I can see and feel positive changes in the house leadership,” sabi ni Erice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?