9

Sep 25, 2020 @ 15:16

P533M gusot sa tax naayos ng PBA

Ray Mark Patriarca

Naaprubahan na ng Court of Tax Appeals ang compromised agreeement sa pagitan ng Philippine Basketball Association (PBA) at Bureau of Internal Revenue kaugnay sa P533 million na hindi nabayarang buwis, kasama ang interes at penalty, mula 1988 hanggang 2000.

“The Judicial Compromise Agreement is hereby APPROVED and this Judgment Based on Compromise Agreement is hereby rendered in accordance therewith. The parties are hereby enjoined to faithfully comply with all the terms and conditions of the aforesaid Judicial Compromise Agreement. Accordingly, this case is now deemed CLOSED AND TERMINATED,” ayon sa Court of Tax Appeals Second Division.

Ang naturang desisyon noong 21 September 2020 ay ginawa ni Associate Justice Juanito C. Castaneda at pinagtibay ni Associate Justice Jean Marie Bacorro- Villena.

Ang naturang kasunduan ay sa pagitan nina PBA Commissioner Willie Marcial at BIR Commissioner Ceasar Dulay noon pang July 2019. Sa naturang deal, nagbayad ang PBA ng P72M o 40 percent (minimum compromised rate) sa orihinal nitong kulang sa tax na P165M. Nabayaran na ng liga ang balanseng P49M noong 2019.

Dati nang sinibukang ayusin ng PBA ang kanilang tax deficiency noong 2002 sa ilalim ng Voluntary Assessment and Abatement Program, kung saan magbabayad dapat sila ng P24M o 15 percent ng kanilang deficiency.

Ngunit hindi ito inaprubahan ng BIR at nakaladlad ang problema sa buwis ng lampas isang dekada kaya’t lumobo ang babayaran ng PBA sa lampas kalahating milyon dahil sa interes at penalty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?