60

By

P51-B tapyas sa DPWH budget, pinanindigan ni Lacson

Sharing is caring!

Nagmatigas si Senador Panfilo Lacson sa pagpapatapyas sa P50.7 bilyon sa panukalang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa taong 2018.

Ayon sa senador, ipaglalaban niya na makaltas ang nasabing halaga kung hindi maipapaliwanag ng mga senador at kongresista, pati ng DPWH, kung paano gagamitin ang nasabing halaga.

Gusto niyang makita kung magkano rito ang gagamitin sa road right-of-way (ROW) at para sa aktwal na proyekto.

“I am very confident that I can justify the cut that I proposed and which was approved in plenary,” ayon kay Lacson.

“I just hope we will stick to the issue at hand instead of misleading the public,” dagdag nito.

Sa unang pulong ng bicameral conference committee ukol sa 2018 budget nitong Huwebes, tinalakan umano si Lacson nina Sen. Cynthia Villar at Sen. Juan Miguel Zubiri dahil maaapektuhan ng pagpapatapyas nya sa DPWH budget ang proyekto ng dalawang senador sa Las Pinas City at sa Bukidnon.

Umalma rin ang ilang kongresista dahil may mga proyekto rin sila na pinapondohan sa DPWH na manganganib.

Diin ni Lacson, puwede naman niyang ipabalik ang nasabing tapyas kung liliwanagin kung magkano ang nakalaan sa right-of-way at kung paano gagamitin ang pondong ito.

Sa pagbubukod ng pondo sa right-of-way, maliliwanagan kung aaprubahan o hindi ang badyet sa aktwal na proyekto.

Ipinunto na mismong si Sen. Cynthia Villar ang nagsabi na may right-of-way na inaabot ng dalawang buwan bago makuha kaya naiimbak ang pondo para sa aktwal na proyekto.

“Si Senator Villar pa nga mismo nag-manifest sa floor noon plenary deliberations namin on the DPWH budget na kaya raw malaki lagi underspending ng ahensya, kasi ang mga politiko daw, insert ng insert ng budget para sa road projects eh hindi pa naman daw settled ang ROW problems kasi hindi nga daw makakapag simula ang civil works pag unresolved pa ang ROW,” ayon kay Lacson.

Nagulat naman si Lacson na may mga proyektong pinapondohan ang mga mambabatas dahil maituturing itong pork barrel na ibinawal na ng Korte Suprema. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }