94

Mar 24, 2020 @ 16:09
By

P50M sa ‘kalderong ginto’ ni Cayetano, nagamit sana kontra COVID-19 – mga netizen

Maraming mga netizen ang nanggagalaiti muli sa stadium cauldron para sa 30th Southeast Asian Games na nagkakahalaga ng lampas P50-million, na ayon sa mga miron ay magagamit sana bilang pondo kontra sa coronavirus pandemic.

Ang cauldron, na binansagang ‘kalderong ginto’, ay dating dinepensa ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee head Alan Peter Cayetano, na sinabing isa itong ‘work of art’ at mas mabebenta pa raw sa mas mataas na halaga.

Ngunit hanggang ngayon ay nananatili pa rin ito sa New Clark City sa Tarlac at nakatengga.

Tingin tuloy ng mga netizen ay aksaya lang sa pondo ang pagpapatayo nito, at mas mainam sanang naitabi at nagamit sa panahon ng krisis sa kinakaharap ng COVID-19 outbreak sa bansa ngayong umabot na sa lampas 500 ang positibo sa nasabing virus sa PIlipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?