173

Nov 19, 2019 @ 14:34
By

P50M kaldero pinapakitang malakas ang ekonomiya sa ‘Pinas – Albay Rep. Salceda

Naniniwala si Albay 2nd District Representative Joey Salceda na bagama’t ‘Imedific’ o enggrande angP50-million na cauldron na ginawa para sa 2019 Southeast Asian Games, tingin nito’y rasonable ang pagkakagawa dito.

Ayon kay Salceda, sinisimbolo ng nasabing stadium cauldron ang malakas na ekonomiya at gobyerno sa bansa.

“Kapag nakita mo ‘yung cauldron, mukhang reasonable naman kaso may Imeldific ‘yung dating, may grandiosity,” ayon kay Salceda sa panayam sa ANC.

“It personifies the new character for the Philippines being a strong economy,” aniya pa.

Saad pa niya, bagay lang umano ang nasabing cauldron sa characteristic ng mga Pinoy na pagiging matapang.

Ayon pa kay Salceda, mababa ang kabuuang P6-billion na budget para sa kabuuang alokasyon sa SEAG hosting.

“Mukhang reasonable naman ‘yung P6 billion to stage games like that. P6 billion is already small,” giit pa ng Albay representative.

Matatandaan na ginisa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ginastos para sa cauldron na pwede na sanang makapagpagawa ng 50 na classroom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?