204
P50M kaldero malayo sa opening ceremony: Phisgoc CEO Suzara takip-tenga sa mga basher
Nov 21, 2019 @ 15:28
By

P50M kaldero malayo sa opening ceremony: Phisgoc CEO Suzara takip-tenga sa mga basher

Marami ang nagtataka kung bakit sa New Clark City ginawa ang P50-million na Southeast Asian Games stadium cauldron gayong tradisyon na sa opening ceremony ito pinapasinayan na gaganapin sa Philippine Arena, 90 kilometro ang layo sa NCC.

Biro ng iba, magkakaroon daw ng teleportation device para makapunta ang torch bearer mula Philippine Arena para makaabot sa NCC.

At nang matanong si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) CEO Ramon ‘Tats’ Suzara, mayroon umanong dahilan kung bakit doon tinayo ang cauldron, ngunit ayaw pang sabihin kung bakit.

Aniya, hindi muna nila ito ibubulgar para mas lalong maengganyo ang mga manonood sa regional meet.

“We don’t want to tell right away what these personalities like Manny Pacquiao will do in the opening ceremony,” ayon kay Suzara sa report ng Inquirer.

Saad pa ng Phisgoc top official, hindi na umano nila pinapansin ang mga basher dahil nais lang nilang gawin ng tama ang kanilang trabaho.

“We don’t read it anymore. The important thing for is to make sure we deliver,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?