1,254

By

P50M higanteng kaldero para sa SEA Games, kinuwestiyon ni Drilon

Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang P50 milyong halaga ng konstruksyon ng isang stadium cauldron o higanteng kaldero para sa Southeast Asian (SEA) Games.

Aniya, ang naturang halaga ay magagamit na sa pagpapatayo ng may 50 classroom.

“A P50-million kaldero. Do you realize that at P1 million per classroom this can construct 50 classrooms? In other words, we did away with 50 classrooms in exchange for one kaldero, is this a correct conclusion?,” pagtatanong ni Drilon sa isinagawang deliberation ng proposed 2020 budget ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

“Is that reasonable? Is that a correct prioritization? Each classroom will cost P1 million and just for the kaldero, which should be used only once, we will spend P50 million,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni BCDA head Vince Dizon, ang konstruksyon ng SEAG cauldron ay magiging simbolo ng Pilipinas sa Sea Games

Ilalagay aniya ang cauldron sa entrance ng athletic stadium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?