27

Oct 25, 2017 @ 18:56

P50B ‘Marawi Bond’, inirekomenda

Iminungkahi ni Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Ben Evardone sa economic managers ng gobyerno na magpatulong sa mga negosyante para matustusan ang reconstruction sa Marawi City.

Sabi ni Evardone, magandang pagkakataon ito para isulong ng Bureau of Treasury ang P50 billion ‘Marawi Bond’ habang mababa pa ang interest rates ngayon sa merkado.

“The Bureau of Treasury should pursue issuance of a P50B “Marawi Bond” considering the low interests rates prevailing in the market,” ayon sa kongresista.

Dapat aniyang samantalahin ng pamahalaan ang umaapaw na simpatiya ng mga investor sa mga biktima ng Marawi siege.

Ayon kay Evardone, maraming negosyante ang handang magpautang para pondohan ang pagbangon ng lungsod.

Sa ganitong paraan, mailalaan aniya sa ibang programa at proyekto ang dapat na budget ng gobyerno sa rehabilitasyon ng Marawi.

“It should also capitalize on the outpouring sympathy of the investors to the victims of the Marawi siege. By tapping the bond market to finance the Marawi reconstruction, it will free up a lot of regular budget for other social and infrastructure programs of the government,” sabi ni Evardone. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?