44

Oct 21, 2017 @ 18:58

P50B ang kailangan sa Marawi rehab – Zubiri

Pabor ang Mindanaoan senator na si Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagsalakay ng Maute terror groups sa Marawi City.

Nilinaw naman ni Zubiri na hindi ito nangangahulugan na congressional inquiry ang kailangang gawin kundi pagsisiyasat upang matukoy ang pananagutan ng mga opisyal na nagpabaya kaya’t nakapaghanda nang husto ang mga terorista sa kanilang laban.

“We have to look at our lapses in procedures, lalo na sa DILG kailangang mamonitor ang support groups galing sa gobyerno, ‘yung bala galing sa DND armory, galit na galit ang mga sundalo dahil ‘yung bala nila ginagamit laban sa kanila, dapat maimbestiga, it maybe not necessary sa congressional inquiry,” saad ni Zubiri sa panayam ng DWIZ.

Kasabay nito, wala pang nakikitang rason si Zubiri upang alisin ang implementasyon ng Martial Law sa Mindanao.

“Hayaan muna natin matapos ung activities like clean-up operations posibleng marami pang IED.

Kailangan may clearing and mopping up operations muna. We need to give them more time, kailangan ng pagkakataon pa kaya hindi muna dapat i-lift ang Martial Law. Baka may madisgrasya pa diyan, baka may snipers pa.

Actually ako sang-ayon na manatili ito until Dec. 31 para mag-assess muna sa lugar at kung ano dapat gawin,” dagdag ng senador. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?