198
shabu91
Aug 6, 2019 @ 22:58
By

P500K shabu nasabat sa Negros Occidental

Umaabot P510,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pitong drug personalities sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operations sa Negros Occidental.

Batay sa report ng PDEA-Western Visayas, nahuli si Jaime Gucio, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Bagtic, Silay City, bandang 3:30 Lunes ng hapon sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng PDEA.

Si Gucio ay kinikilalang high-value target at miyembro ng Michael Divinagracia drug sub-group.

Nakumspika mula kay Gucio ang 30 grams ng shabu na may estimated market value na PHP204,000.

Sa Bacolod City, anim katao ang inaresto sa Purok Sibucao, Barangay Banago matapos hainan ng search warrant operation bandang 6:45 noong Sabado sina Jennifer Magbanua, Nerra Acibug, Franklin Belecina, Risty John Miravelence, Ludovico Sagal, at Nilo Boy Arcenio.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 11 plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 45 gramo na may halagang PHP306,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article II, Section 5 (sale of dangerous drugs) at Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Republic Act (RA) 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang pitong suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?