47

Jun 26, 2020 @ 22:06

P500 naging P1500! Renewal fee sa public cemetery lumobo.

Dagdag pasanin sa mga mahihirap na residente na may mga mahal sa buhay na namayapa at nakalibing sa mga public cemetery sa Valenzuela City dahil sa pagtaas ng renewal fee nito kada-limang taon.

Nabigla ang mga kaanak ng namayapang si Fredie Merin na nakalibing sa Karuhatan Public Cemetery, nang singilin sila ng P1,500 bilang renewal fee .

Dati daw ay P500 lang kada-limang taon ang bayad, pero namangha sila sapagkat P1,500 na ang bayad at tumaas ito sa pagpasok ng Hunyoe 1, 2020.

“Medyo nagulat kami siyempre kasi nga ang laki ng itinaas, obligadong bayaran kasi wala kaming pupuntahan kapag sumapit ang Todos Los Santos,” anang mga kaaanak ni Freddie.

Base sa regulasyon ng namamahala sa Karuhatan Public Cemetery , aalisin sa pinaglilibingang nitso ang patay kapag lumagpas sa limang (5) taon na hindi ito nababayaran ng mga kaanak.

Modernisasyon ang plano ng pamalaaang lungsod kaya itinaas nito ang singil sa renewal ng mga namayapa.

Ang Karuhatan Public Cemetery ang pinakamalaking pampublikong sementeryo sa Valenzuela City kung saan pati ang mga taga-Caloocan ay nakikinabang dito. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?