8

Sep 14, 2020 @ 21:56
By

P50 taas kontribusyon target ipagpaliban ng Pag-IBIG

Kinokonsidera ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na i-postpone muna ang pagtataas sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito dahil sa coronavirus pandemic.

Inatasan ni housing czar Sec. Eduardo del Rosario ang pamunuan ng Pag-IBIG na ikonsulta sa mga stakeholder at pag-usapan ang posibilidad na i-delay ang implementasyon sa January 2021 ng P50 dagdag sa dekada nang P100 monthly contribution.

Nobyembre 2019 inaprubahan ng Pag-IBIG Fund Board ang pagtataas sa monthly contribution ng kanilang mga miyembro mula sa P100 patungong P150 sa January 2021 at P200 sa January 2023.

Sakop nito ang share ng mga employer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?