7,910

Apr 14, 2020 @ 9:18
By

P50 milyon ni Robredo, Cayetano pinagkumpara

Ngayong bumabaha ng mga tulong-pinansiyal sa COVID-19 crisis, binalikan ng mga Pinoy ang higit P50-milyong 30th SEA Games stadium cauldron na dinepensahan ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee head Alan Peter Cayetano.

Pinagtabi kasi ni host Marvin Tomandao ang P50 milyon na ginastos para sa cauldron at sa donasyon na nakamit ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo para sa mga health worker. “A tale of two 50 millions,” aniya pa.

Sabi ng mga netizen, buti na lang at si Robredo ang nanalo sa pagka-bise presidente, at hindi si Cayetano na katambal ni noo’y presidentiable Rodrigo Duterte.

May iba pang sinabing ibenta ang cauldron para maipantulong sa kinahaharap na pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?