11
views
eduardo-del-rosario
By

P50-B kailangan sa Marawi rehab

Sharing is caring!

Aabot  ng  hanggang  P50 bilyon ang  kakailanganing  pondo  ngayong  taon para mailarga  ang  rehabilitasyon  ng  Marawi City.

Ito ang  inihayag  ni Task Force Bangon Marawi Chairperson Eduardo del Rosario  matapos  ang  ginawang  assessment  para  maibangon ang  bagong  Marawi Islamic City.

Kasama  sa  pondo ang  pagpapatayo  ng  karagdagang  transitional shelters  para  malipatan  ng  mga  pamilyang  naapektuhan at   pansamantalang nanunuluyan sa  mahigit 60 evacuation centers.

Sinabi ni Del Rosario  na  posibleng  sa  buwan ng Abril masimulan ang tuluyang rehabilitasyon sa  ground  zero  dahil patuloy  pang  nire-recover  ang  mga  hindi sumabog  na  mortar bombs sa  war zone.

Umaabot  na  aniya sa  isang libong mortar at bomba ang narekober ng  mga sundalo sa dating battle  zone at hinahanap  ang  iba  para  matiyak na  ligtas  na ang  lugar  bago simulant  ang pagtatayo ng mga bagong imprastraktura.

“The initial estimate of total needs is 49.81 billion pesos. The final results are expected within the month, as committed by the Office of Civil Defense,” ani Del Rosario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?