372
jackpot
Jun 18, 2018 @ 17:56
By

P50.9-M lotto jackpot prize, nadale ng taga-Cavite

Nakuha ng isang mananayang taga-Cavite ang Super Lotto 6/49 jackpot prize na P50,977,870.00 na binola Linggo ng gabi.

Ayon kay General Manager Alexander Balutan, ang nanalong ticket na may kombinasyong numero na 19-06-20-34-08-13 ay binili sa lotto outlet ng Premier Plaza Mall sa Lucsuhin, Silang, Cavite.

Mayroon namang 32 mananaya ang nakakuha ng limang tamang numero na nanalo ng tig-P29,310.00 bawat isa habang nasa 1,785 manlalaro naman ang nakakuha ng apat na digits at nanalo ng tig-P420.00, at nasa 25,987 naman ang nanalo ng tig-P20 o balik-taya.

Ang Super Lotto 6/49 draw ay nilalaro tuwing Linggo, Martes at Huwebes, at napapanood nang live sa PTV-4 tuwing alas-nuwebe ng gabi.

Nagpapasalamat naman si Balutan sa tumatangkilik na publiko sa produkto ng PCSO tulad ng lotto, Keno, sweepstakes at STL.

Idinagdag pa niya na sa pagsuporta ng mananaya sa PCSO lotto ay hindi lang nagkakaroon ng tsansang maging milyonaryo kundi nakakatulong pa sa kapwa Filipino sa pamamagitan ng mga programa ng PCSO para sa pangkalusugan at iba pang tulong ng ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?