93

Dec 15, 2018 @ 14:00
By

P5.7M shabu, nasamsam sa Cebu

Umaabot sa P5.7 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa ikinasang buy-bust operations sa Barangay Sambag Dos, Cebu City kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Randy Caballes, hepe ng Mambaling Police Station, pansamantalang hindi muna ibibigay ang pangalan ng mga suspek upang hindi magambala ang operasyon kaugnay sa pagbebenta ng mga ito ng droga.

Kabilang umano sa high-value target ang dalawang supplier na suspek.

Dagdag pa nito, matapos ang halos dalawang linggong surveillance sa mga suspek ay nagpositibo na silang ikasa ang operasyon Biyernes ng hapon sa Barangay Sambag Dos.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Mambaling detention cell habang inihahanda ang mga kaso nilang paglabag sa droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?