126

Jun 15, 2019 @ 13:44
By

P5.7M party drugs nasamsam sa Taguig hotel

Nakumpiska ng mga agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may P5.7 milyong halaga ng party drugs na itinago sa loob ng safety deposit box sa isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig City nitong Sabado ng umaga.

Nabuking umano ng PDEA ang iligal na droga sa safety deposit box na nirentahan ni Domingo Tanyao Uy, 44, dakong alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa PDEA, ang pagkakakumpiska sa droga mula sa safety deposit box ni Uy ay follow-up operation sa naunang pagkakasamsam sa may P8.7 milyong halaga ng droga sa kuwarto naman ni Uy sa naturang hotel sa bisa ng search warrant na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Branch 88 Judge Rosanna Fe Romero-Maglaya.

Nakuha sa safety deposit box ang 2,750 piraso ng ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P4,675,000 at 200 gramo ng cocaine na P1,060,000 ang halaga.

Kasalukuyan nang nakakulong si Uy sa Taguig City police headquarters dahil sa paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?