31

Oct 6, 2021 @ 13:57
By

P5.5-M halaga ng shabu butata sa Maynila

Napasakamay ng kapulisan ang mahigit 800 gramo ng hinihinalang shabu na nasabat sa isinagawa nilang anti-drug operation sa San Miguel at Tondo ngayong linggo.

Ayon sa ulat, tinatayang aabot sa mahigit P5.5 milyon ang halaga ng kontrabandong naharang nila.

Batay sa report ng ABS-CBN, unang naaretso ang isang bebot sa Brgy. 648, San Miguel nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, 735 gramo ng shabu ang nasamsam sa kanya.

Samantala, anim na indibidwal naman ang nahuli sa Tondo nitong Martes ng umaga.

Nahaharal sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang pitong nahuli. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?