29

Nov 8, 2021 @ 9:40
By

P5.1-M ukay-ukay naharang sa Sorsogon

Nasabat ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Bicol ang mga ukay-ukay item na aabot umano sa P5.1 milyon ang halaga.

Ayon sa press release ng BOC nitong Linggo, naharang nila sa Matnog Port sa Sorsogon ang trak na may lulan sa mga naturang kargamento noong Nobyembre 1.

Batay umano sa nakuha nilang sales invoice, galing Quezon City ang naturang trak at papunta sanang Davao City.

Sa kabuuan, nasa 449 bundle ang mga nakumpiskang damit.

Labag umano sa R.A. 4653 o “An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags” ang pagbiyahe o pag-angkat ng mga ukay-ukay item, ayon sa Customs. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?