27

Mar 3, 2021 @ 18:00
By

P4M shabu natisod sa Marikina

Arestado ang tatlong drug pusher matapos makumpiskahan ng mahigit P4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang mall sa Marikina City, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Argel Ignacio, 25, ng Baguio City; David Eje, 43, at Amelita Presto, 58, kapwa taga-Laguna.

Ayon sa ulat, isang undercover anti-narcotics operative ng Philippine Drug Enforcement Agency Eastern Office ang nagpanggap na bibili ng iligal na droga sa mga suspek sa Riverbank sa Barangay Barangka.

Nakumpiska ang may 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4,080,000 bandang alas-6:10 ng gabi.

Maliban sa droga, nakasabat din ang mga operatiba ng PDEA ng sari-saring cellphone, ID at boodle money na ginamit sa transaksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?