272

Dec 4, 2020 @ 14:53
By

P4M patong sa ulo! Wanted nakorner sa Pampanga

Nadakip ng mga awtoridad si Jose Bernardino alyas ‘Ka Raffy’ nitong Biyernes ng umaga sa Mexico Pampanga.

Batay sa report ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit (CIDG RFU) 3, nadakip si Bernardino dahil sa inilabas na warrant of arrest laban kay Bernardino dahil sa kasong rebelyon.

Si Bernardino ay nabatid na regional white area committee secretary ng Central Luzon Regional Committee.

Nahuli si Bernardino sa pinagsamang puwersa ng CIDG RFU 3, CIDG Provincial Field Unit Pampanga, PFU-Tarlac, Armed Forces of the Philippines at iba pang sangay ng pulisya.

Nahatulan itong guilty sa naturang kaso ni Judge Paul Attolba Jr noong July 2018, kung saan hindi nirekumenda ang pagpiyansa.

Nakuha kay Bernardino ang isang caliber .45, fragmentation grenade, tatlong cellphone at ilang subersibong dokumento.

Tinatayang may patong sa ulo si Bernardino na P4.7M at kasama sa listahan ng Department of National Defense-Department of Interior and Local Government ng mga national wanted person.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng CIDG RFU 3 si Bernardino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?