75

Jan 19, 2019 @ 15:47
By

P49M jackpot sa Ultra Lotto, nasolo ng taga-Novaliches

Nadale ng mananayang taga-Novaliches, Quezon City ang jackpot prize na mahigit P49 milyon sa Ultra Lotto 6/58 na binola Biyernes ng gabi.

Ayon sa tala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumpak ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 29-12-39-42-34-08 na may jackpot prize na P49,500,000.00.

Samantala, mayroon ding tatlong mapalad na mananaya ang nakakuha ng limang numero at nanalo ng P204,630.00 bawat isa.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Linggo, Martes at Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?