31

Feb 23, 2020 @ 14:37
By

P49M jackpot sa 6/55 Lotto wala pang nakakadale

Wala pa ring nakakasungkit sa P49,418,411 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na binola, Sabado ng gabi.

Ayon sa tala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakatumpak sa winning combination na 18-22-19-04-13-53.

Samantala, wala ring nakatumpak sa 6/42 lotto na may winning combination numbers na 16-04-38-39-05-37 sa jackpot prize na P9,517,264.

Ang Grand Lotto 6/55 game ay nira-raffle tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 ay regular na binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?