226

Jan 16, 2019 @ 14:20
By

P48M 6/42 jackpot natumbok ng Manilenyo

Nadale ng mananayang taga-Sampaloc, Manila ang tinatayang nasa P48.2 milyong pisong jackpot prize ng regular Lotto 6/42.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), naganap ang Lotto 6/42 Martes ng gabi na kung saan ay tumpak ang winning combination 04-31-19-20-24-08 na may P48,204,764 milyong piso.

Samantala, mayroong anim na mananaya naman ang limang winning combination at nanalo ng tig-P12,880 bawat isa.

Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?