26

Sep 21, 2018 @ 16:41
By

P46M sa ‘Ompong cash for work’ — DOLE

Naglaan ang gobyerno ng P46 milyon para sa ipapatupad na cash for work program sa mga lugar na nalugmok sa pananalanta ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na minimum wage ang kanilang iaalok at ang emergency employment ay maaaring tumagal ng hanggang 20 araw.

Nabanggit nito na ang mga mapapasama sa programa ay maaaring magtrabaho sa pagsasaayos ng mga imprastraktura.

Partikular na sinabi nito ang mga skilled worker na maaaring magtrabaho sa ‘Build, Build, Build’ Program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ibinahagi din nito na may inilaan din pondo para sa mga magbabalik na OFWs, na ang mga pamilya ay labis din naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?