48
politikop-BOC
Dec 3, 2017 @ 16:36
By

P46-B koleksiyon ng BOC nitong Nobyembre, record-high

Nakapagtala ng record-high na buwanang koleksyon ang Bureau of Customs (BOC) matapos umabot sa P46.47 bilyon na revenue collection ng ahensya nitong nagdaang Nobyembre.

Ayon sa BOC, ito na ang pinakamalaking buwanang kita ng BOC sa kasaysayan nito.

Sinabi ni BOC Commissioner Isidro Lapena, limang mga collection district ang nakalagpas din sa target na buwanang kita, at kabilang dito ang Batangas, Davao, Cagayan de Oro, Clark at Tacloban.

Sa record ng BOC-Financial Service nitong Nobyembre, ang Port of Batangas ay nakapagtala ng P13.339 billion collection na mas mataas sa target na P11.36 billion; ang Port of Tacloban ay P59 million na mahigit doble kaysa sa target collection na P21 million; Port of Cagayan de Oro ay P1.273 billion na mas mataas nang bahagya kumpara sa target na P1.259 billion; Port of Clark ay P149 million na mas mataas kumpara sa P140 million revenue target; at Port of Davao na nakapagtala ng P1.56 billion halaga ng kita na mas mataas kaysa sa P1.464 billion revenue target.

“We have been achieving historical collection figures since September, but the latest November collection is really a milestone for BOC, being the highest in the monthly collection ever achieved by BOC. This, despite having only 19 working days. I think we could have surpassed our monthly target if November has the usual number of working days,” saad ni Lapena.

Aniya, ang mas mataas na koleksyon ay dahil sa mas mataas na presyo ng langis at sa pagtaas ng volume of importation.

Nakatulong din umano sa mas mahusay na revenue collection ang pagsubasta ng BOC sa mga nasamsam na kargamento.

Mula Enero hanggang Nobyembre, umabot na sa P256.8 million ang kita ng BOC mula sa auction.

“I am really optimistic that by December, the BOC will finally be able to hit, if not surpass its monthly target. Together with all the ports, we are really hoping that we will achieve this,” pagtatapos ni Lapeña. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?