85

By

P46.6M halaga ng cocaine nalambat sa Dinagat Islands

Narekober ng mga pulis ang may walong bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P46.6 milyon sa karagatan ng Dinagat Islands.

Ayon sa Caraga Police, isang mangingisda ang nakakita sa isang bloke ng cocaine na nakabalot ng transparent cellophane at lumulutang malapit sa lighthouse sa munisipalidad ng Loreto dakong alas-singko ng hapon noong Miyerkoles.

Itinurn-over ito ng mangingisda sa kagawad na siya namang nagpaalam sa mga tauhan ng Dinagat Islands Provincial Mobile Force.

Samantala, alas-5:40 ng hapon, apat na mangingisda naman ang nakakuha ng pitong bloke ng cocaine malapit sa baybayin ng nabanggit na munisipalidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?