85
P400K nadale ng Salisi Gang sa naka-confine na pasyente
By

P400K nadale ng Salisi Gang sa naka-confine na pasyente

Hindi pinatawad ng mga miyembro ng Salisi Gang ang loob ng ospital nang pasukin ang isang private room sa Alabang Medical Center sa Barangay Ayala Alabang, Muntinlupa City nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa inisyal na report na natanggap ng Southern Police District, alas-sais ng umaga naganap ang pagnanakaw sa Room 447 na nasa ikaapat na palapag ng Alabang Medical Center.

Nakilala ang mag-asawang biktima na naka-confine sa isang private room na sina Marlou, 47, at Medelen Deslate, 45, na nanakawan ng alahas, gadgets at cash na may kabuuang halaga na P413,500.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang Muntinlupa Police para sa pagkakakilanlan ng suspek habang sinusuri pa kung may nakakabit na CCTV sa ospital at sa labas ng kuwarto nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?