56

By

P400K multa para sa Christmas costume ng mga guwardiya

Sharing is caring!

Luwa ng P400,000 ang isang security agency nang pagsuotin ng costume ang kanilang mga sekyu sa isang mall sa Quezon City.

Base sa report sa Dobol B sa News TV, dapat ay tanging mga designated uniform lang ang kanilang isinusuot tuwing nasa duty, ayon kay Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).

Hindi rin umano responsibilidad ng mga guwardiya na mang-aliw dahil naroon sila sa mga mall para sa seguridad ng publiko.

Ang mga nilabag ng guwardiya ay ang pagsuot ng unprescribed uniform, expired duty detail order, at no license to exercise security profession.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?