19
baguio-thief
By

P400K cash natangay sa Quezon mall

Sharing is caring!

Nasa mahigit P400,000 na pera ang kabuuang halaga na nanakaw sa tatlong tindahan sa loob ng isang shopping mall sa bayan ng Tiaong sa Quezon.

Ayon sa report, natangay ng mga ‘di pa tukoy na suspek ang nasa P221,433 na halaga sa My Basic Clothes store; P153,700 sa Expressions; at P49,468 sa Rodeo Drive Clothes sa loob ng City Mall na matatagpuan sa Maharlika Highway sa Barangay Lalig.

Nakarinig umano ang guwardiya ng mall ng kalabog mula sa ilalim ng pamilihan dakong alas-kuwatro ng madaling-araw at agad itong inireport sa pulisya.

Nang rumesponde ang mga awtoridad, tumambad sa kanila ang mga sira nang vaults kung saan nalimas na rin ang mga laman nito na karamihan ay pera.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?