19
LRT
By

P40 pasahe sa LRT 1, inihirit

Sharing is caring!

Posibleng umabot sa P40 ang pamasahe sa LRT 1 umpisa sa Agosto dahil sa hirit na P5 hanggang P7 fare hike ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Sinabi ni LRMC Chief Executive Officer Juan Alfonso kailangan na nilang magtaas matapos nilang gumastos ng P8-B para sa upgrade at system restoration ng LRT 1.

Ayon kay Alfonso, huling nagtaas ng pamasahe ang LRT 1 noong 2015 at makatarungan lamang ang hirit nilang fare hike dahil hinarang ng pamahalaan ang petisyon nila para sa mas mataas na pamasahe noong 2016.

Kailangan din ang dagdag na pamasahe para sa maintenance ng LRT 1 at upang mapanatili ang magandang serbisyo sa mga pasahero.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa P15 hanggang P30 ang pamasahe sa LRT 1.

Sa ilalim ng concession agreement ng LRMC sa pamahalaan, maliban sa paghingi ng dagdag-pasahe may opsyon din ang LRMC na humingi ng katumbas na subsidiya mula sa pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?