62

Mar 14, 2020 @ 14:37
By

P4 tapyas sa gasolina, ikakasa ng Petron

May nakaambang na super big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo sa Marso 17.

Sa ipinalabas na advisory ng Petron Corporation na nasa P4.00 kada litro gasolina at diesel habang P4.50 naman sa kerosene kada litro ang kanilang ipapatupad sa Martes ng alas-6:00 ng umaga.

Naunang nagpatupad ng bawas presyo ang kumpanyang Phoenix Petroleum ng P3.00 kada litro sa gasoline at diesel.

Ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng crude oil sa pandaigdigang merkado.

Ito naman ang kauna-unahang super big time rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo ngayon taong 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?