52

Dec 20, 2017 @ 18:04
By

P4.8-M reward binigay sa 4 ‘tipster’ ng PDEA

Masayang tinanggap ng apat na ‘informants’ ang umaabot sa halagang P4.8 milyon mula sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng kanilang programang ‘Operation Private Eye’ (OPE).

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang apat na informants ay itinago lamang sa mga pangalang Toffee, James, Cold Ice, at Basti, na malaki ang naitulong upang maaresto ang mga drug personalities. Si Toffee ay nakatanggap ng P1,806,845.60 cash reward; James – P1,516, 672.96; Cold Ice – P1,019, 758.40; at P491,155. 16 naman ang natanggap ni Basti.

“The informants wore masks during the ceremony in order to protect their anonimity. All information we receive through OPE are being handled with utmost confidentiality,” ani Aquino.

Sinabi ng PDEA chief na si Toffee ang may pinakamalaking natanggap na pabuya dahil sa ibinigay nitong ‘tip’ kung saan nabuwag nila ang isang shabu laboratory at nakakumpiska sila ng mahigit sa 248 litro ng liquid shabu, 21 litro ng hydrochloric acid at 3.79 litro ng acetone.

Si James naman umano ang dahilan kaya nakasamsam ang PDEA ng 20,596 gramo ng shabu at naaresto ang dalawang big-time drug suspect sa isinagawang buy-bust operation.

Habang sina Cold Ice at Basti naman ang dahilan kaya nakakumpiska ang PDEA ng umaabot sa mahigit 25 gramo ng shabu at nadakip ang mga notorius drug sespect. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?