22
desgn-coa
By

P4.8-M building design ng PAO, sinita ng COA

Sharing is caring!

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pagbabayad ng P4.8 million para sa engineering design ng kanilang bagong central office building na itatayo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa 2017 audit report, sinabi ng COA na walang naisumiteng documentary requirements kaugnay ng Memorandum of Agreement (COA) na pinasok ng PAO, ng National Housing Authority (NHA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa engineering design.

Kabilang sa mga kailangang dokumento ang tinatayang halaga ng construction, dami at halaga ng mga materyales, schedule ng construction at bid documents.

Ayon sa COA, ang hindi pagsusumite ng mga dokumento ay labag sa mga probisyon ng MOA at COA circulars.

“Except for schematic plans showing general locations and spaces from basement to 11th level, and the exterior perspective showing building mass and design theme, all required documents and deliverables by NHA and DPWH were not attached to the MOA, nor submitted to COA for review,” saad sa audit report.

Naglaan ang PAO ng kabuuang P12 million para sa architectural design at engineering plans kung saan kabilang dapat ang kumpletong technical specifications ng gusali gayundin ang kailangang bill of materials.

Unang nagbayad ang PAO ng tseke na nagkakahalaga ng P1.8 million bilang down payment para sa architectural at engineering design, at P3 million para sa schematic design at design development phases.

Inatasan ng COA ang NHA at DPWH na agad magsumite ng lahat ng dokumento at ang PAO na huwag mag-apruba ng payments nang walang supporting documents.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?