25

Nov 17, 2021 @ 16:13
By

P4.72M smuggled na gulay kinumpiska sa Malabon

Tinatayang nasa P4.72 milyong kargamento ng mga produktong pang-agrikulturang pinuslita sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs.

Nasamsam ng BOC, sa pamamagitan ng joint operations kasama law enforcement agencies, ang mga smuggled na broccoli, carrots, red onion, at iba pang imported na produkto sa isinagawang inspeksyon sa isang warehouse sa Catmon, Malabon City nitong Nobyembre 11.

“Meron kaming nakitang gulay at iba pang mga produkto na walang maipakitang permit sa amin,” pahayag ni Customs spokesman Atty. Vincent Philip Maronilla.

Nadiskubre ang pitong van na ginamit bilang pansamantalang cold storage, tatlo ang naglalaman ng smuggled na gulay habang apat dito ay walang laman.

Ayon kay Maronilla, iimbestigahan nila ang mga tauhan upang matigil na ang kaparehas na insidente.

“Para matigil ito kailangan din nating tingnan source ng problem kung may pagkakamali ba ang aming mga tauhan,” saad nito.

Inaalam pa ng mga ito kung talagang walang laman ang natitirang apat na van.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?