18

Oct 16, 2020 @ 20:27
By

P4.5T budget sa 2021 pasado na sa Kongreso

Nakaabot sa huling araw ng special session ang pagpasa ng P4.5-trillion budget sa 2021 sa third reading sa Kongreso.

Sa botong 257 aprub at anim naman ang kumontra, lusot na ang 2021 General Appropriations Bill sa Kamara, at ipapasa ito sa Senado sa October 28 para tuluyang makarating ang panukalang batas kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Ways and Means panel chairman Joey Salceda, P893B mula sa naturang pondo ay gagamitin ng bansa para sa COVID-19 efforts, kung saan P2.5B dito ay ibubuhos naman para makabili ng bakuna laban sa virus.

Department of Education pa rin ang may pinakamataas na parte sa mga ahensya kung saan P754B ang inaprubahang pondo para dito, sumunod naman ang Department of Public Works and Highways na may P667.3B sa kabila ng patama ni Pangulong Rodrigo Duterte na hitik umano sa korapsyon ang naturang ahensya.

P246B naman ang nilagak sa Department of Interior and Local Government, P209B para sa Department of National Defense at P203B sa Department of Health kung saan kukunin din ang pondo para sa kontrobersyal na PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?