26

Nov 13, 2020 @ 15:57
By

P4.25B imprastruktura wasak kay ‘Ulysses’

Tinatayang aabot sa P4.25B na mga imprastruktura ng gobyerno ang nasira dahil sa bagyong Ulysses, ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Isa sa tiningnan ay ang Marcos Bridge sa Marikina City na tinamaan ng isa pang tulay sa Marikina River na gawa sa bakal.

Ayon kay Villar, nagtamo ng ‘superficial’ na pinsala ang naturang tulay.

Sinuri din ang tulay sa Navotas na nabangga ng isang barko.

“Pati ‘yung sa R-10 bridge na natamaan po ng barko, nasira lang ‘yung railings but structurally, so far, wala pa kaming nakikitang damage,” lahad ng kalihim.

Aniya pa, 52 kalsada ang hindi pa nadadaanan dahil sa mudslide, baha, nahulog na buno at ilan pang debris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?