20

By

P3M shabu nakumpiska sa 2 drug suspects sa Taguig

Sharing is caring!

Tinatayang nasa P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa ikinasang anti-drug operation sa Taguig City, Biyernes ng gabi.

Nadakip sa operasyon sa ML Quezon Avenue, Barangay Hagonoy dakong alas-10:30 ng gabi sina Jayson Esguerra at Rodolf Dejos.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, ang nag-uutos umano sa dalawang suspek sa paggawa ng transaksiyon ay dati nilang kasamahan na nakakulong sa salang murder sa Manila District Jail sa may Bicutan.

Kabilang sa nakumpiska sa mga suspek ang anim na piraso ng pakete na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P3,570,000 at 150 piraso ng valium 10 o anti-depressant drug na may halagang P12,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?