39

Aug 5, 2021 @ 15:04
By

P3M reward ibinigay na ni Romero kay Hidilyn Diaz

Ibinigay na ni Deputy Speaker at 1-PACMAN Rep. Mikee Romero ang pangako nitong P3 milyon kay Hidilyn Diaz, ang unang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa Olympics.

“Hidilyn showed me our very first Olympic Gold Medal. I was so emotional holding it. Buti nalang I held back my tears. So proud of being a Filipino!!!” sabi ni Romero.

Nag-post si Romero ng kanyang litrato kasama si Diaz sa kanyang Facebook account ngayong Huwebes.

Bago nagsimula ang Olympics ay nangako si Romero na magbibigay ng P3 milyon sa atletang Pilipino na mananalo ng gintong medalya, P2 milyon sa makaka-silver at P1 milyon sa magwawagi ng bronze medal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?