158

Jul 27, 2021 @ 16:35
By

P3M reward agad ibibigay ni Rep. Romero kay Hidilyn

Agad na ibibigay ni Deputy Speaker at 1-PACMAN party-list Rep. Mikee Romero ang ipinangako nitong P3 milyong reward kay Hidilyn Diaz pagbalik nito sa bansa.

“I will be handing the money to our champion weightlifter, Hidilyn Diaz, who won the gold in Tokyo on Monday,” sabi ni Romero.

Hindi umano matatawaran ang ibinigay na karangalan ni Diaz sa bansa sa pagsungkit ng unang gintong medalya sa Olympics.

“It’s an expression of our appreciation for the pride and honor she has brought the country, and her sacrifices amid the Covid-19 pandemic, which made her victory doubly hard to achieve,” dagdag pa ni Romero.

Bukod kay Romero, nangako ang mga negosyanteng sina Ramon Ang at Manny Pangilinan ng tig-10 milyon sa mananalo ng ginto sa Tokyo Olympics.

Sa ilalim ng Republic Act 10699, si Diaz ay makakatanggap din ng P10 milyon mula sa gobyerno at P5 milyon naman para sa kanyang mga coach.

Sinabi naman ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na hindi maikakaila na nakapagbigay ng saya si Diaz sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

“Proud at masaya ako sapagkat sa gitna ng pandemya at paghihirap ng ating mga kababayan ay mayroong ganitong balita na tiyak na magdadala ng ngiti sa bawat Pilipino. Salamat Hidilyn, binuhat mo sa iyong balikat ang buong sambayanan Pilipino! Isa kang maituturing na bayani sa larangan ng isports. Mabuhay ang mga kababaihan!” sabi ni Herrera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?